itutuloy ko lang 'yung nabura kong naisulat dati. o isusulat muli sa tagalog. ewan kung kulang na ba itong isusulat ko o ito ba talaga mismo 'yon. basta. kung papipiliin ako kung sa nakaraan ba o hinaharap, pipiliin ko ang nakaraan. hindi sa anupamang sentimyento at panghihinayang. mababaw lang naman ang dahilan. ang nakaraan na tinutukoy ko (kung kailangan ng konkretong halimbawa) ay nung elementarya pa ko. kasi naman kahit may pagkamalinaw pa ang mga nangyari noon sa akin, gusto ko ring balikan kung paano ako mag-isip noon. posible ba? konkreto ba ang ideya ko? hmm.
noon feeling ko pag naiisip ko sa ngayon, ang mundo ay kulay sepia. mabagal. mahinahon. mas simple. malamig ang hangin at mas sariwa. maonti lang ang gulo. ngayon, conscious na ako sa mga nangyayari. kaya naman, nakaka-haggard pag minsan.
pero ayos lang. ganito naman talaga ang takbo ng munggo.. este mundo at ng pag-iisip ng tao. habang tumatanda, mas lumalawak ang perspektibo. sa lawak ay nagiging gatuldok na lang ang mga karanasan sa nakaraan. pero hahayaan ko na lang ang sarili kong i-challenge 'yon.
*magulo pa ito. naguguluhan kasi pa ako*
agree ako sa sinabi mong, "habang tumatanda lumalawak ang perspektibo." siguro in a sense na mas nagiging open minded ka na, not necessarily agreeing in all of these perspectives. sinusubukan mo lang intindihin ang pagiisip ng iba, para makapagdesisyon ka kung ano talaga ang paningin mo...
ReplyDeleteang mahirap dun, sa sobrang pakikinig mo sa iba, hindi mo na malaman kung ano talaga ang sa iyo. sabay sabay siguro tayong uungkat non. sana. nafefeel kong mahirap. pero go lang.