Monday, March 29, 2010

Sabi sa jeep

Ang Pinoy hindi nauubusan sa kasabihan. Nakapaskil kahit saan. Marami sa jeep, sa likuran ng drayber. Heto ang ilan:

*Mga warning sa pagbabayad*
Barat ang tawag sa kulang ang bayad
Magbayad ng maaga ng di maabala
Basta sexy libre sa driver lang tatabi
Yan ang pasahero alisto sa bayad ay husto
Miss angkinin mo na ako wag lang ang kita ko

*Tunog isang concerned citizen*
Miss hita mo'y takpan pagkat matang maloko ang nakaabang
Sexy love kita payag ka ba?

*Meron din namang expression ng pananampalataya*
Diyos ang patnubay sa ating paglalakbay
God bless our trip

*Laban sa pagti-take advantage*
Sat/sun/holiday student no discount

*Ito ay karaniwang makikita sa mga high-tech na dyip na may nakakabinging tugtog kasabay ng pasuray-suray na takbo ng dyip (ex: mga rutang Rizal)
Full d string 2 stop
batak mo hinto ako

(sampu sa mga ito ang nakalagay sa iisang jeep lang. yung nasakyan namin kagabi, rutang Sucat Hi-way Tatawid. kaya naman, ito ay dedicated kina Grace Ann, Ate Faye, at Kuya Mark.)

10 comments:

  1. toinks. concerned citizen talaga eh.

    lamo kung anong tawag namin sa mabibilis at malalakas magpatugtog na jeep (at naisip kong parang sa rizal nga lang uso mga ganun)? PATOK. hehe. i learned that from jepoy nung nagHS sya. and to them im greatful sa twing nagmamadali na ako. haha.

    ReplyDelete
  2. ate tama. haha. forgot to mention that one. at in fairness ha, nagkakaisa na yan ang tawag.

    ReplyDelete
  3. LOLZ. :) ang tawag sa'min sa mabibilis na jeep ay HATAW. :))

    ReplyDelete
  4. samin ang tawag sa mabilis na jeep ay mabilis na jeep. hehe. nanggugulo lang.

    ReplyDelete
  5. hahahaha!!! tama nga naman, cherry! XD

    ReplyDelete
  6. salamat, ching, tunay kang kaibigan. hahaha

    ReplyDelete
  7. hay naku! pambihira! nakakabingi talaga! hehe ^,^

    ReplyDelete