Thursday, July 24, 2008
an Ate's thoughts
si mimi ay maarteng bata. mahilig siya sa mga seksing damit. o mahilig siyang bihisan ng mga seksing damit nila mama. may polka dots siyang two piece, kulay pula at ang ka-partner ay maliit na palda. pinagsuot siya ng shades at kinuhaan ng picture sa harap ng santan bush sa harap ng bahay nina Mommy (ang mabait naming kapitbahay).
malaki ang mata ni mimi. tinutukso namin siyang malaki ang mata. may bangs siyang hindi pantay-pantay. minsan, inahit niya ang patilya niya at ang mga baby bangs niya. nalaman lang namin kasi may mga kalat na buhok sa banyo at kapansin-pansin naman ang weird niyang itsura. idini-deny pa niya.
mahilig siyang gumaya ng mga lettering ko. pero ampangit ng gawa niya (hindi ko lang sinasabi). kasi ang lalaki ng sulat niya. minsan, ako na lang ang pinagawa niya ng mga cards na ibibigay niya para sa mga friends niya.
may manliligaw si mimi nung may stall pa kami ng barbeque sa labas ng bahay. ang lalaki ay yung nakatira sa bandang ibaba ng street namin (kasi pataas ang street namin). ang kwento niya pa, binigyan siya nito ng sulat at singsing na free pa sa isang tigpipisong chichirya. kapag sinuot niya raw ang (plastik na) singsing na iyon, sila na. (aba may ganun?!)
kalaro ko si mimi nun ng bahay-bahayan. uto-uto siya. siya kasi ang yaya ng mga barbie ko na pinaliliguan namin sa lababong tinakpan namin ang daluyan ng tubig. siya rin ang laging inuutusan para bumili ng pagkain kasi siya ang bunso.
marami siyang kalokohan sa buhay. naging pormang rakista raw siya (habang ang kuya ko ay hiphopper. haha!). pero nabaduyan siya kaya pinili niyang maging normal-looking-but-agaw-pansin-pa-rin.
bata pa pala siya sa kwento kong ito.
tinatanong ko siya ngayon: "mi, dalaga ka na ba?"
sinasagot niya ako: "oo naman 'no."
17 na siya. maarte pa rin siyang manamit. minsan ay di ako makahiram kahit may bago siya dahil panay sleeveless at di ako mahilig dun. siya na ang kumukuha sa sarili niya ng picture na naka-shades.
siya pa rin ang gumugupit ng bangs niya. siya rin ang gumupit ng buhok ko dati. pero ayaw niya ko lagyan ng bangs kasi pangit daw ang buhok ko. siya rin ang nagmamadaling naglagay ng make-up ko nung college grad kasi male-late na ko.
ako ang pinagsulat niya sa manila paper para sa isang report nila sa marketing. kahit nagrereklamo ko ay ginawa ko pa rin. (tingin ko naman, hindi ako nagpauto). gustung-gusto niya ang course niya (na na-market sa kanya ng pinsan kong marketing grad din).
sumali siya sa cheering (sayang at di ko siya napanood kahit isang beses kasi nasa LB ako).
umibig na siya at nasaktan. (tinatanong ko pa rin sa sarili ko kung totoong naunahan niya ako sa karanasang iyon). pinakilala niya sa akin ang lalaki nung ako ang um-attend ng PTA meeting niya nung high school. natakot sa akin ang lalaki (hindi ko naman sinasadyang maging nakakatakot na ate. tinanong ko lang naman kung "anong balak niya sa future.")
kakwentuhan ko si mimi minsan. gusto kong malaman ang mga nangyayari sa buhay niya. lalo't alam ko na sa pagkakaroon ko ng bukas na pagtitiwala sa kanya ang magiging daan para ma-involve ako sa buhay niya lalo't hindi ko na siya basta-bastang mauuto na lang. may sarili na siyang pag-iisip. may sarili siyang type ng music (na malayong-malayo sa gusto ko.) at hindi ko na siya ganun ganun na lang maiimpluwensiyahan na gawin ito o gawin iyan.
alam kong hindi ko pa matanggap na "dalaga na si mimi". naiisip ko pa rin siya bilang yung maliit na batang bilog na bilog ang mata at cute. at maarte. pero hindi ko kayang pigilan ang paglaki niya. ang paglawak ng mundong ginagalawan niya. ang pagpasok ng iba't ibang kaisipan na pwedeng makaimpluwesiya sa kanya.
parang na-miss ko si mimi. makauwi na nga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
:D go ate! patingin naman ng picture ni mimi..(though nakita ko na ata cia nung grad mo.)
ReplyDeletepara kay ate maryel, maglalagay ako. kaso dalaga na siya sa picture.
ReplyDeleteAwww. I feel you. :D Parang ako kay Nina. Hahaha. :D Hi daw sabi ni Cherry ... di sya makapagsalita kaya ako na lang nagtype. :))
ReplyDeleteokei lang. :D iimadyinin ko na lang na malaki mata nia dati at maarte cia at dati ay meron ciang two piece na polka dots. :D
ReplyDeletehala.. e kung ikawa ba naman ang tanungin ng "ano ang balak mo sa future", hindi ka ba matakot??? hahaha...
ReplyDeleteOnga Kuya Bu. Kahit ako matatakot pag tinanong ng gano'n (kung boyfriend ako). Parang yung thought na ni-susuggest ng question ay: "'Wag kang magkakamali ng sagot kung hindi lagot ka sa Ate ng girlfriend mo." Hahaha! :D
ReplyDeleteriza, you're such an entertaining writer. naiimagine ko kung paano mo ito ikukuwento sa personal. :)
ReplyDeletenaalala ko...bilog na bilog din ako dati (hanggang ngayon pa rin ata. hehe.) may "striped" colorful 2-piece din at naka-shades..haha! pero mas seksi ang kapatid ko kaya siya ang pinagsu-suot noon nila tita ng mga seksing damit at pinipiktyuran. take note, lalaki ang kapatid ko! =p
ReplyDeletehaha.uso ata yun sa bata..ganung lovestory din napanood ko sa mmk dati.haha.
ReplyDeleteHindi uso yon. Haha! Ba't di ko napagdaanan yan? Ang alam kong uso ay yung sinasabi ni Ate Tin. Hahaha! :D
ReplyDeleteuy si ate tin, nag-share. : ) ipost ang pic na naka-"striped" colorful 2-piece din at naka-shades..haha!" : ) sana meron! at si (kenneth) ba ang tinutukoy nyong seksi? haha! : )
ReplyDeleteayessa, dalaga ka na rin? aww.. hi din kay cherry. bakit, tinutubuan din ba siya ng wisdom tooth at d makapagsalita??
ReplyDeleteay ganun pala yun? tama. perspective ng lalaki. thanks kuya bu. haha.
ReplyDeleteOo ate. Haha. Binunutan sya ng wisdom tooth. :D
ReplyDeletehuwaaat??? (jino-joke mo lang ako 'no?)
ReplyDeletemagkita na kasi tayo. *kindat kindat*
ReplyDeleteganon ba yon? (well mas wise na ako kumilatis ngayon. pero sana wala pa akong makilatis. shucks.)
ReplyDeletesure!
ReplyDeleteGO KENNETH!
ReplyDeletegrabe riz, di ko alam na nag-uuto ka pala! kaya nasasabihan tayong mga panganay na bully e!
ReplyDeletenakakatuwa tong post mo. it's very typical present-day Filipino. yung imageries nya parang yung makukuha mo pag nagbasa ka ng Filipino text books. hitik sa Pinoy elements ikanga - bbq stall sa tapat ng bahay, santan bush, barbie na pinapalangoy sa lababo (na pinasakan ang drain), chichirya na may free na plastik na singsing... kahit yung batang sinusuotan ng 2-piece at pinagpopose ng may shades... tingnan mo si ate tin! haha.
on a serious note, nage-gets kita sa part about making an effort to penetrate through mimi's world. so you can be sure that she'd be making the right choices, so you could protect her from unnecessary heartbreaks/aches. that's how i feel about my brother. na sana i could make his decisions so i'm sure he'd be ok. but too bad we can't do that. the key talaga is to pray for them. kasi no matter how hard we try to look after them 24/7, we can't. but God could.
ReplyDeletehaha, sorry i got carried away "lecturing". ;D
natawa ko nung binasa ko uli 'to. hayaan mo ayessa, sa susunod totoong ring na ang ibibigay sa iyo. ay!ü
ReplyDeleteate, second child po ako. at ngayon, ako na ang binu-bully at inuuto. T.T
ReplyDeletehaha! ate, di po ako ang panganay. middle child ako. at ngayon, ako na ang inuuto ng bunso. akalain mo yon? T.T
ReplyDelete