bumibyahe na naman ako. nagdulot sa akin ng malikhaing mga tanong ang mas malikhain pang mga pangalan ng establishments na nadadaanan ko sa kahabaan ng anonas, kamias road, kamuning at tomas morato.
: magpapa-spa ka ba sa HUNK'S TOUCH SPA na nasa kamias?
: and CHIKAT SALON ba dun sa anonas ay magbibigay sa'yo ng bongga (at "sikat") na make over sa "cheap" na halaga?
: apelyido ba ng mga may-ari ang origin ng pangalan ng KAWILIHAN BAKERY?
: added service na lang ba ang spa sa SALON de KAMIAS and SPA o mas dapat ba na "salon and spa de kamias" na lang sana?
: ang BARRAKZ sa tomas morato ay disco-han (o club) at ang Barrakz sa uplb ay computer shop. dadating kaya ang panahon na mag-iba na ng service ang sa uplb at maging disco-han na rin ito kagaya ng sa java avenue?
: may kubli bang ipinararating ang THE REAL BANK: A Thrift Bank sa anonas laban sa iba pang bangko base sa pangalan nito?
: okay lang naman makipagtitigan di ba kay KC Concepcion sa loob ng jeep kung napagod ka na sa katitingin sa labas (at mapuying sa alikabok)? tutal, nasa paper bag naman si KC.
: ang compound word ba na ROADTRIP ay walang space o ROAD TRIP ito dapat, with space? hindi kasi ako sigurado.
... sana ay nasasagot din ako sa mga tanong na ito ng kabilang bahagi ng isip ko. pero ito ang mga klase ng tanong na hindi naman gaanong mahalaga kung malaman ko man o hindi ang sagot.