Sunday, September 7, 2008
road trip
may road trip din ang isip ko kasabay ng pagbyahe habang nasa loob ng jeep ng may signboard na "welcome". naisip kong mapapawelcome ka na lang kahit hindi magpasalamat ang nasa likuran mo sa jeep sa pagpapaabot ng bayad niya. hindi na nagte-thank you. automatic nang kelangan mo iabot ang bayad niya dahil malapit ka sa drayber.
naisip kong ang kahabaan ng tomas morato ay parang mini-grove sa lb. niyakap ko ang mga dilaw na ilaw ng kalsada. nag-iimagine. may hangin-hangin pa na polluted na nagpapagulo sa buhok ko. andaming gumigimik. tinanong ko kay charet noon kung paano gumimik. nagpakita siya ng rakista finger sign at sabi niya with a husky voice "gimeek". si charet talaga. tinanong ko kay nikki isang beses (kasabay ko siya pauwi at minsan papunta sa office) kung uso pa ba ang "disco-han" na term. "clubbing" na raw ito. okay. hindi ko pa na-experience.
ang angel's hamburger ay tahimik na sinasakop ang kalupaan. sa bawat kanto ay meron ata nito. tahimik din sigurong yumayaman ang may-ari nito. angel's: ang pangmasang hamburger.
blue at pula ang kadalasang kulay ng mga bangko. kinakarir ng BDO at BPI ang pagbibihis-anyo.
tinanong ako ni yobic kung may nagagawa pa raw ako for personal development. naisip kong ang pagiging aware na nag-iisip ka ay pwede nang ma-qualify sa areas for personal development. form of exercise na rin ito sa kabila ng maraming oras kong nakaupo lang sa pagtawag at pangongolekta sa mga ameikanong may utang.
anong mas cool ang pangalan? "koolahan" o "washkodresmo"? alam kong hindi makaka-relate ang mga foreigner na babasa noon kung hindi pa lalagyan sa ilalim ng mga pangalang 'yon ng "laundry shop".
bat nakakapagod bumiyahe? napag-usapan namin ito ni ate anna nung magkasabay kami at first time niya ata mag-ordinary bus from metropolis to ortigas. bakit nga ba nakakapagod? kakapreno. kakahinto bigla. nakakapagod nga namang matagtag.
kapag traffic, naiisip ko ang posibilidad na ma-stranded kami ng matagal kung saan sa kung anong dahilan hindi kami pwedeng makalabas ng jeep. paano na? wala pa naman akong tubig o baon man lang sa bag. paano ko tatanggalin ang contact lenses ko kung marumi ang mga daliri ko.
bababa na ko. matatapos na ang sampung pisong byahe ko sa ngayon. pero unlimited ang mag-isip. isip lang nang isip.
etc. etc.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hehe. we can change this..we can always say thank you pag inaabot ang bayad natin..at we can always say welcome pag nagthank you sila. :D
ReplyDeletefeeling ko dahil din sa puyat..kasi nafifeel ko lang ang pagod pag d ako nakakatulog nang 8 hrs..(at araw-araw ganun. hehe)
ReplyDeleteisa sa mga hindi naiintindihan ni mama..nakakapagod bumyahe.kahit nakaupo ka lang at kahit pa matulog..
ReplyDeletehehe.nice insights riz.:) ok yan nagiisip..
nakakapagod nga. parang rollercoaster.
ReplyDeletemasarap magpasalamat sa nag-abot ng bayad at mag-thank you sa drayber. it cheers you and the driver up... and the proson na pinasalamatan mo rin.
ReplyDeletetrue. let's do that. shine na!
ReplyDeletewhat's with "shine na"??
ReplyDeleteyou'll shine from the rest if you make that step of simply thanking your co-pasahero who made abot your bayad.ΓΌ testify through that simple act of gratitude.
ReplyDelete