Wala akong paborito. (iniisip ko kung meron ba..) Sige, wala akong masyadong paborito. Ganito kasi. Halimbawa, sa mga awit, sinasabi kong nagugustuhan ko 'yon 'pag maganda sa pandinig ko. Nung tinanong ako noon kung anong paboritong kong "genre" ng kanta, naghanap pa ako sa alapaap ng isasagot. Kasi wala naman: pop, rock, jazz, etc. Hindi ko kasi alam ang mga 'yon. Iba-iba ang natitipuhan ko. Pasado sa akin ang mga kanta ng April Boys, ni Renz Verano, nina Diomidez Maturan, Pining Santiago a Danilo Santos (para sa iyong impormasyon, ang nahuling tatlo ang ilan sa mga natatanging Kundiman singers noong panahon ng papa ko. Na nakagigiliwan kong pakinggan tuwing Sabado ng alas-nuebe sa DZRM 1728). Gusto ko rin ang mga lumulutang sa ere ng radyo nung mga taong 1997 habang nasa taas kami ng pader ng ginagawa pa naming bahay: kina Celine Dion, Shania Twain, Michael Learns to Rock ("Paint my love... you should paint my love...) Ganun din naman, nakakatuwa ring pakinggan ang mga kanta nina Vhong Navarro at Bayani Agbayani (sila lang ha!) Nakabibighani naman ang kanta ng Imago at APO Hiking Society. Tama na muna.
Bakit kaya ganito, naisip ko. Wala ba akong passion? Bakit parang ang pagturing ko sa mga bagay ay para lang ordinaryo? Problema ba yun? Naisip ko na sa sobrang dami ng mga pagpipilian, ang hirap pumili ng partikular na gusto mo. Kung saan na nga lang kakain pag nasa labas ay ang hirap na magdesisyon kung saan, paano pa sa ibang mga bagay. Pero kung tutuusin, hindi naman pwedeng ang lahat ng bagay ay pare-pareho lang ang pagkinang. Syempre meron namang kukuha at kukuha ng atensyon mo at masasabi mong "paborito ko na 'to!" Sa akin nga lang, hindi ko maa-apply ng matagalan. Siguro sa iba't ibang pagkakataon lang. Halimbawa uli, paborito ko si Marky Cielo 'pag sumasayaw (yee!ΓΌ). Paborito ko ang... umm... ang toyo at kalamansi (the best!) sa pritong galunggong at sukang may asin sa dilis. Paborito ko ang sikat ng araw at mahangin na paligid kapag naglalakad o habang nakaupo lang sa damuhan. Paborito ko [na] ang hipon dahil ipinanganak daw itong babae pero nagiging lalaki habang lumalaki ito. Paborito ko ang yakap at mayakap ng magulang ko (sarap!). Paborito ko ang brownies. Hindi ko paborito ang Friendster kasi sa profile kailangan may "favorites".
ahyahahaa...yehey..tagalog din ang post mo..hahah.. mamomonopolize na natin ang mga pagtagalog ng mga blogs..hahah.. fun xe pag tagalog.. viva pilapil!
ReplyDeleteoh yeah, those kundiman singers, nice to know you're quite fond of their singing and their songs
ReplyDeleteako rin..
ReplyDeletehirap ako magsagot sa mga ganyan..
buti sana kung nabubuhay pa tau sa elem at highschool days naten..
mas madali cguro.. :)
alam mo minsan, naisip ko rin yan. para bang alam mong kaya mo lahat itolerate, pero kasabay nito ang mga tanong na, "ano ba talaga ang gusto mo?"
ReplyDeletecome to think of it, hindi talaga ako nakikinig ng AM radio. masubukan nga...
i think it comes and goes. depending on the situation you're in... you'll find a fevorite. just wait. it doesn't have to be now.
ReplyDeletehaha. fevorite.
ReplyDelete