Tuesday, November 11, 2008

21 items sa 'king "Firsts" List


1) ang malaking drowing ng apple sa papel na kinailangan kong kulayan nang maganda (at pinagsikapang isang stroke lang ang pagkulay at walang lampas): first entrance exam ko pasa makapasok sa Kinder II sa Kamuning Elementary School

2) ang pompoms na yellow at seksing yellow costume: field demo nung Christmas season; kinder; first time na isa ako sa mga nasa stage na nag-lead sa sayaw

3) ang siling pula: first remembrance kung ano ang maanghang; parusa ni mama sa maanghang kong pagsagot sa kanya (mga 7 ata ako nito)

4) ang gerbera na naputol ang stem sa excitement ng tumanggap: first time makatanggap ng bulaklak

5) ang kilay na bagong ahit: first time na daring kikay act para sa 3rd year prom

6) ang bagong relax na buhok: march 2006; niyakag ako ni ate ehm; first time naipasalon ang buhok (pero 2nd daring kikay act)

7) 

Tuesday, October 28, 2008

date with mama




sarap to the bones.ü
kahit isang order ng chicken lang yan. at soup of the day. oha.ü

papa's 60th birthday




october 24, 2008 (na october 25 na ito actually)

twinie's antipolo adventure




yey! today is the 28th of october.
and tonight i have to mark it as one of the most memorable dates of my life.

thanks, cherry, sa pagbisita sa antipolo. salamat sa doughnuts, at sa panibagong adventure album na ito. haha.

*hug*

Sunday, October 12, 2008

more of me, if you permit




lb visit




snapshots

bye bye eyes




i have eyes. they see.

here are my contact lenses. they help my eyes see clearer.

thanks to them.

now, this pair is drying.

i purchased a new pair.

(this is not a farewell entry for my beloved "eyes" for the past six months.)

just a little... uhm.. tribute.

my ambitiously shortened hair




sunny day!/maaraw




mcdo and some officemates




mama at papa




*during their early years of marriage. i was 2. my kuya was 4*

dawnwatching




God created the sky.. maybe to show us that he covers us through, no matter where we are, no matter what we are. His love is so wide that there is nothing in this earth that misses His sight.

God loves to shine His blessings to all in this earth.
I want to capture them... and feel the warmth of His blessings coming upon my face every morning of every day.

I PRAISE THE LORD! He is truly amazing. His beautiful and overwhelming creation of dawn just reflects His indescribable glory.

All I can do is to stand in awe as I receive the first sunlight of the day and say, "THANK YOU, LORD!"

Monday, September 15, 2008

roadtrip: ikalawang pasada

 

bumibyahe na naman ako. nagdulot sa akin ng malikhaing mga tanong ang mas malikhain pang mga pangalan ng establishments na nadadaanan ko sa kahabaan ng anonas, kamias road, kamuning at tomas morato.

 

: magpapa-spa ka ba sa HUNK'S TOUCH SPA na nasa kamias?

 

: and CHIKAT SALON ba dun sa anonas ay magbibigay sa'yo ng bongga (at "sikat") na make over sa "cheap" na halaga?

 

: apelyido ba ng mga may-ari ang origin ng pangalan ng KAWILIHAN BAKERY?

 

: added service na lang ba ang spa sa SALON de KAMIAS and SPA o mas dapat ba na "salon and spa de kamias" na lang sana?

 

: ang BARRAKZ sa tomas morato ay disco-han (o club) at ang Barrakz sa uplb ay computer shop. dadating kaya ang panahon na mag-iba na ng service ang sa uplb at maging disco-han na rin ito kagaya ng sa java avenue?

 

: may kubli bang ipinararating ang THE REAL BANK: A Thrift Bank sa anonas laban sa iba pang bangko base sa pangalan nito?

 

: okay lang naman makipagtitigan di ba kay KC Concepcion sa loob ng jeep kung napagod ka na sa katitingin sa labas (at mapuying sa alikabok)? tutal, nasa paper bag naman si KC.

 

: ang compound word ba na ROADTRIP ay walang space o ROAD TRIP ito dapat, with space? hindi kasi ako sigurado.

 

... sana ay nasasagot din ako sa mga tanong na ito ng kabilang bahagi ng isip ko. pero ito ang mga klase ng tanong na hindi naman gaanong mahalaga kung malaman ko man o hindi ang sagot.

 

 

 

tula

 

iniisip kita sa aking paghimlay

habang nakapikit ang mga mata

ang puso ko'y sa'yo idinadantay--

pati ang bawat hibla ng pangarap,

pati ang bawat talulot ng oras,

maging ang paglagaslas nitong rumaragasang diwa.

 

naaamoy ko ang liwanag

nalalasahan ko ang mabining pagtatagpo

naririnig ko ang matamis mong mga bulong

 

sapagkat kahit ako'y nakahimlay

sa'yong pag-ibig naroon ang buhay.

 

Sunday, September 7, 2008

road trip



may road trip din ang isip ko kasabay ng pagbyahe habang nasa loob ng jeep ng may signboard na "welcome". naisip kong mapapawelcome ka na lang kahit hindi magpasalamat ang nasa likuran mo sa jeep sa pagpapaabot ng bayad niya. hindi na nagte-thank you. automatic nang kelangan mo iabot ang bayad niya dahil malapit ka sa drayber.


naisip kong ang kahabaan ng tomas morato ay parang mini-grove sa lb. niyakap ko ang mga dilaw na ilaw ng kalsada. nag-iimagine. may hangin-hangin pa na polluted na nagpapagulo sa buhok ko. andaming gumigimik. tinanong ko kay charet noon kung paano gumimik. nagpakita siya ng rakista finger sign at sabi niya with a husky voice "gimeek". si charet talaga. tinanong ko kay nikki isang beses (kasabay ko siya pauwi at minsan papunta sa office) kung uso pa ba ang "disco-han" na term. "clubbing" na raw ito. okay. hindi ko pa na-experience.

ang angel's hamburger ay tahimik na sinasakop ang kalupaan. sa bawat kanto ay meron ata nito. tahimik din sigurong yumayaman ang may-ari nito. angel's: ang pangmasang hamburger.

blue at pula ang kadalasang kulay ng mga bangko. kinakarir ng BDO at BPI ang pagbibihis-anyo.

tinanong ako ni yobic kung may nagagawa pa raw ako for personal development. naisip kong ang pagiging aware na nag-iisip ka ay pwede nang ma-qualify sa areas for personal development. form of exercise na rin ito sa kabila ng maraming oras kong nakaupo lang sa pagtawag at pangongolekta sa mga ameikanong may utang.

anong mas cool ang pangalan? "koolahan" o "washkodresmo"? alam  kong hindi makaka-relate ang mga foreigner na babasa noon kung hindi pa lalagyan sa ilalim ng mga pangalang 'yon ng "laundry shop".

bat nakakapagod bumiyahe? napag-usapan namin ito ni ate anna nung magkasabay kami at first time niya ata mag-ordinary bus from metropolis to ortigas. bakit nga ba nakakapagod? kakapreno. kakahinto bigla. nakakapagod nga namang matagtag.

kapag traffic, naiisip ko ang posibilidad na ma-stranded kami ng matagal kung saan sa kung anong dahilan hindi kami pwedeng makalabas ng jeep. paano na? wala pa naman akong tubig o baon man lang sa bag. paano ko tatanggalin ang contact lenses ko kung marumi ang mga daliri ko.

bababa na ko. matatapos na ang sampung pisong byahe ko sa ngayon. pero unlimited ang mag-isip. isip lang nang isip.

etc. etc.


masarap matulog






sa pagbaba ko mula sa kabundukan/ nasabik ako sa kakaibang mga liwanag na aking natanawan/ na iusad ang mga paa/ na sumuong sa umagang madilim pa/ ngunit ano bang mayroon sa siyudad na abala?/ mas gugustuhin ko pa rin ata sa primitibong mundo kung saan kapisan ka/





Tuesday, September 2, 2008

subjunctive mood

 

if i were a droplet,

a droplet of rain,

i'd slide by your window pane

and stare at your eyes dreaming.

 

if i were a soil,

a piece of that you walked on,

i'd stick myself in the soles of your shoes

and be just where you're heading to.

 

if i were a page,

a page of calendar on your desk,

i'd own one saturday

and mark it with our date.

 

if only i could be right next to you..

just so i hope these lines would do.

 

Monday, August 25, 2008

inside the yearbook pages




cool. i realized that now, i really looked "modern".
and modern is simpler.. with regard to the hair. (^_^)





*thanks to elaine. i clicked her yearbookyourself.com hyperlink and discovered this.
(but now i don't know how to add that hyperlink. hehe.)*

Tuesday, July 29, 2008

Si Mr. Pogi ng Antipolo


Ito ang karugtong ng series ng kwento ko tungkol sa mga tao-tao (tao-tao?) sa bahay namin at sa buhay ko. (naging series na nga ata talaga. wala naman akong ibang maisulat pang subject dahil sila ang nakikita ko--kahit natutunan ko nang makisabay sa buhay ng isang call center agent na wala sa bahay pag gabi, ito ang sinubukan kong career ngayon--sila pa rin ang inuuwian ko sa bahay, mga damit at gamit nilang nakakalat ang nadadatnan ko pag-uwi, mga larawan naming hindi na ata kami lumaki ang laman ng mga picture frames sa sala, at ang antisipasyong makita ko pa rin sila kahit nakukunsumisyon ako kay Kuya Romel (pogi). Kanya nga pala ang kwentong ito.

May kuya ka ba?

’Yung ibang walang kuya, gustong magkakuya. O yung iba, gustong maging kuya kapag walang nakababatang kapatid (ano, yobic, tama?)

Pero, wala naman tayong magagawa kung anong birth order mo sa pamilya. Tapos, dahil bully si Kuya Romel o Kurmel for short (pauso ata 'to ni mimi nung bata pa siya), inisip ko na sana ako na lang ang Kuya (ehem… o Ate for that matter). Pakiramdam ko kasi, mas kilos matanda pa ko sa kanya. At ang alam ko, ang kuya ay dapat mas kilos matanda kesa sa mga nakababata sa kanya.

 

Para makilala mo ang kuya ko, siya ay:

 -bully

-matakaw (kaya naman palayaw niya rin ang palayaw ng mga matatakaw na bata noon, na obvious sa katawan: “Baboy” at “Taba” ang usual na pantukoy sa kanya noon)

-madamot (basta!)

-mahilig sa cartoons kahit matanda na

-isip-bata (marami itong pagpapatunay)

-pinapaamoy ang mabahong paa sa akin (tinatapat sa mukha namin ang paa niya pag nananahimik kaming nanonood ng TV)—kadiri!

-batugan (utos nang utos, aba!)

-kamukha ni Bayani Agbayani sa paningin ko. At naimpluwensiyahan ko si mimi sa ideyang iyon (FYI: tuwang-tuwa ako kay Bayani at inaasar ko siya lagi pag nakikita namin si Bayani sa TV)

-pwede ring artista (hindi ko malilimutan ang pagdadrama niya na hinintay pa raw niya ako galing LB para sabay na kainin ang pasalubong na chocolates. Binigyan ko siya sa habag(?). At nalaman-laman ko na nakarami na pala siya ng pagkain ng chocolate nung wala ako! Naisahan ako.)

-madaldal (andaming katwiran)

-hinahabol ko ng hanger kapag sobrang makulit na (at tumatakbo naman siya para di ko maabutan)

-tigyawatin nung high school

-may secret siyang niligawan na kaklase niya. Humihingi pa siya ng pabango galing sa Avon ni mama panregalo sa babae (na di rin ata naging sila sa huli. Aww--sayang ang pabango. Hehe.)

-mahilig siya mang-asar. Nasabi ko na bang bully siya??

-ganyan ka-“sweet” ang kuya ko


Sa mga nilista kong paglalarawan sa kanya, hindi na ata maganda ang naging mukha niya. (Technically, pogi naman kahit papaano sa paningin ko ang kuya ko. Haha.)

 


*CAPTION: mukha ko ata sa picture ang hindi maganda. haha. galing ako sa LB niyan. pag-uwi ko sa bahay, ayan si Kurmel, nagmimiryenda.*




Ito na lang (mga pambawi kunwari):

-nung bata pa ako, nakakatulog ako sa panonood sa kuya ko habang dinodrowing niya sina Son Gokou. Hindi naman niya ako pinapaalis.

-inuutusan ko siyang idrowing ang mga assignment ko sa school. At di siya pwedeng magreklamo. Ginagawa naman niya. Buti na lang.

-inaway niya ako noon at nagkasakit ako. Kaya naman, nang inutusan siya ni mama na bumili ng gamot ay hindi siya magkandaugaga sa pagsunod.

-na-appreciate kong hindi pa raw muna siya mag-aasawa. Alam na niya ang responsibilidad niya sa pamilya. Pero syempre…

-kapag umuuwi ako galing training sa trabaho, lagi ko siyang naaabutan na naghihintay sa papasok ng village-village-an namin. Sinusundo ako ng kuya ko kasi gabi na at wala akong kasabay pauwi sa amin. Kahit nagmamaktol siya, ginagawa pa rin naman niya.

-sa mga unang sweldo niya galing ang Nokia 1100 ko na binigay niyang nakapaloob sa isang purple na gift bag noong November 30, 2006. Hindi ko akalain.

-pinagalitan niya ako nung nakita niyang mukha akong yagit (sa standard niya) na pumapasok sa trabaho. Sabi niya, mag-ayos naman daw ako ng itsura ko at hindi na ako bata.

-kapag nag-aalmusal siya ng noodles at isa na lang ang kapartner nitong tinapay, nung hiningi ko ay binigay pa rin niya. Pinatikim din niya ako ng pansit canton na kung titingnan ay ayaw niya ni ipaamoy sa iba.


 Alam kong marami akong hindi naiintindihan sa kuya ko.

Marami rin siyang hindi naiintindihan sa akin.

Sabi ko makitid ang utak niya.

Pero parang ganun din ako kung iisipin ko ang ganoong bagay tungkol sa kanya.

Nakakaasar si Kurmel.

Siguro may mga bagay na gusto ko sanang ginagawa niya na hindi niya ginagawa.

Sana… sana… sana.

Minsan inisip ko na sana totoong kuya ko na lang, halimbawa, si Kuya Ysra... kesa sa kanya.

Pero tulad ng wala tayong magagawa sa birth order natin, wala rin tayong magagawa kung sino ang mga taong kasama natin sa birth order na yon. Hindi naman hopeless case ito. Pero higit na isang opportunity ang pag-discover kung paanong isang magandang regalo pala ang pagiging middle child ko at pagiging kuya ko si Kurmel.

Nalalaman ko rin na ang panalangin kong pagbabago sa kuya ko ay nangyayari rin sa puso ko—kung paano ko siya tingnan na pwedeng mas popogi pa pala siya kung pwedeng pogi na siya sa simula. Get?




Thursday, July 24, 2008

now that i have graduated...

i miss uplb.

i used to imagine myself at this point, writing down my thoughts about missing lb.
and missing more of her. and her people.

and now i'm lost for words..

i just can imagine her beauty.

with the hope that sooner, i could finally return.



an Ate's thoughts



si mimi ay maarteng bata. mahilig siya sa mga seksing damit. o mahilig siyang bihisan ng mga seksing damit nila mama. may polka dots siyang two piece, kulay pula at ang ka-partner ay maliit na palda. pinagsuot siya ng shades at kinuhaan ng picture sa harap ng santan bush sa harap ng bahay nina Mommy (ang mabait naming kapitbahay).

malaki ang mata
ni mimi. tinutukso namin siyang malaki ang mata. may bangs siyang hindi pantay-pantay. minsan, inahit niya ang patilya niya at ang mga baby bangs niya. nalaman lang namin kasi may mga kalat na buhok sa banyo at kapansin-pansin naman ang weird niyang itsura. idini-deny pa niya.

mahilig siyang gumaya ng mga lettering ko. pero ampangit ng gawa niya (hindi ko lang sinasabi). kasi ang lalaki ng sulat niya. minsan, ako na lang ang pinagawa niya ng mga cards na ibibigay niya para sa mga friends niya.

may manliligaw si mimi nung may stall pa kami ng barbeque sa labas ng bahay. ang lalaki ay yung nakatira sa bandang ibaba ng street namin (kasi pataas ang street namin). ang kwento niya pa, binigyan siya nito ng sulat at singsing na free pa sa isang tigpipisong chichirya. kapag sinuot niya raw ang (plastik na) singsing na iyon, sila na. (aba may ganun?!)

kalaro ko si mimi nun ng bahay-bahayan. uto-uto siya. siya kasi ang yaya ng mga barbie ko na pinaliliguan namin sa lababong tinakpan namin ang daluyan ng tubig. siya rin ang laging inuutusan para bumili ng pagkain kasi siya ang bunso.

marami siyang kalokohan sa buhay. naging pormang rakista raw siya (habang ang kuya ko ay hiphopper. haha!). pero nabaduyan siya kaya pinili niyang maging normal-looking-but-agaw-pansin-pa-rin.



bata pa pala siya sa
kwento kong ito.


tinatanong ko siya ngayon: "mi, dalaga ka na ba?"
sinasagot niya ako: "oo naman 'no."

17 na siya. maarte pa rin siyang manamit. minsan ay di ako makahiram kahit may bago siya dahil panay sleeveless at di ako mahilig dun. siya na ang kumukuha sa sarili niya ng picture na naka-shade
s.

siya pa rin ang gumugupit ng bangs niya. siya rin ang gumupit ng buhok ko dati. pero ayaw niya ko lagyan ng bangs kasi pangit daw ang buhok ko. siya rin ang nagmamadaling naglagay ng make-up ko nung college grad kasi male-late na ko.

ako ang pinagsulat niya sa manila paper para sa isang report nila sa marketing. kahit nagrereklamo ko ay ginawa ko pa rin. (tingin ko naman, hindi ako nagpauto). gustung-gusto niya ang course niya (na na-market sa kanya ng pinsan kong marketing grad din).

sumali siya sa cheering (sayang at di ko siya napanood kahit isang beses kasi nasa LB ako).

umibig na siya at nasaktan. (tinatanong ko pa rin sa sarili ko kung totoong naunahan niya ako sa karanasang iyon). pinakilala niya sa akin ang lalaki nung ako ang um-attend ng PTA meeting niya nung high school. natakot sa akin ang lalaki (hindi ko naman sinasadyang maging nakakatakot na ate. tinanong ko lang naman kung "anong balak niya sa future.")

kakwentuhan ko si mimi minsan. gusto kong malaman ang mga nangyayari sa buhay niya. lalo't alam ko na sa pagkakaroon ko ng bukas na pagtitiwala sa kanya ang magiging daan para ma-involve ako sa buhay niya lalo't hindi ko na siya basta-bastang mauuto na lang. may sarili na siyang pag-iisip. may sarili siyang type ng music (na malayong-malayo sa gusto ko.) at hindi ko na siya ganun ganun na lang maiimpluwensiyahan na gawin ito o gawin iyan.

alam kong hindi ko pa matanggap na "dalaga na si mimi". naiisip ko pa rin siya bilang yung maliit na batang bilog na bilog ang mata at cute. at maarte. pero hindi ko kayang pigilan ang paglaki niya. ang paglawak ng mundong ginagalawan niya. ang pagpasok ng iba't ibang kaisipan na pwedeng makaimpluwesiya sa kanya.

parang na-miss ko si mimi. makauwi na nga.


Wednesday, July 23, 2008

musikang hindi naluluma

kapag naririnig ko ang tunog kundiman, naiisip ko si papa sa labas ng bahay habang nakikinig kay Atong Balatong sa luma niyang radyo na naka-extension cord. sabado ng gabi. ang aninag ng buwan ang nagsisilbi niyang liwanag habang prenteng nakataas ang mga paa sa mesa. gusto kong maupo at makinig kasama niya. baka sakaling makasama ako sa pagbabalik-tanaw niya sa panahon ng lumang musika.


kapag naririnig ko ang instrumental na intro ng "christmas in our hearts" ni jose mari chan, naaalala ko ang malaking parol na ginawa ni papa nung bata pa kami. nilagyan niya ito ng bumbilya sa loob at sinabit mula sa second floor. anong kagalakan ang nasa aming mga mata.
 

kapag naririnig ko ang iba pang christmas songs, naaalala ko naman ang mga sandaling nakasandong puti at shorts lang ako, tumatambay sa owner jeep namin sa umaga habang pinapatugtog ni papa sa cassette player sa sasakyan ang tape ng masasayang christmas songs. sinayaw pa namin ang iba nung elementary sa isang field demo.

kapag naririnig ko ang mga pan-linggong tugtog sa iFM, parang nakikita ko ang malalaking plaka ni papa na parang unang version ng cd. ito ang bidang pinapatugtog tuwing may handa gamit ang malaki niya ring player. nung bumalik kami sa bahay namin sa antiplo, nahalungkat muli ang mga plaka. inaamag na ata ang case ng mga ito. pinamigay na rin niya ang player (na hindi ko pala natanong kung anong tawag).
 

kapag nakikita ko ang ukelele na nakasabit sa tabi ng kabinet sa kwarto, si papa pa rin ang naiisip ko at ang masaya niyang pangungulit sa pamamagitan ng pagkalabit ng apat na kwerdas nito.

kapag kumakanta sa isip ko ang "may tatlong bibe akong nakita... mapayat, mataba, mga bibe", naaalala ko ang papag namin at ang koleksyon ng mga nursery songs na nasa cassette tapes. naging theme song yun ni papa sa pagpapatulog sa amin habang hinahagod ang aking buhok.

kapag napapansin ko ang trompa ni papa na nakasabit sa may kusina namin, naalala ko ang bagong taon. pinapahiram niya iyon sa mga nagko-coordinate ng party para sa mga bata pag new year's eve. tapos, may parang sirena rin siya na gusto sana niyang paingayin nitong dalawang huling new year's eve pero ayaw nila kuya romel. maingay daw. (aba'y syempre!)

kapag naririnig ko ang sipol ni papa, alam kong dumating na siya galing sa trabaho. may dalang Chocolait para sa akin, kay kuya romel at kay mimi. nung lumaki na ako, ganun pa rin ang sipol niyang pagsalubong sa mga bata na kapitbahay namin na tinatawag na siyang "Lolo Tony", magbe-bless sa kanya at sumasabay umangkas sa motorsiklo niya. minsan naman, may bitbit pa siyang maiinit na pandesal.

kapag naririnig ko ang magaling na pagsipol ni papa sa himig ng iba't ibang kanta, kahit na novelty o love song, naiisip ko ang itsura niya habang nagmamaneho siya ng sasakyan at kaming magkakapatid ay nakaupo sa likuran. cool.

si papa ang musika kong hindi naluluma. lagi siyang sold-out siya sa 'kin.





Monday, May 12, 2008

last May 10..




..yobic and i went to mall of asia.
with tocino.
and pizza and iced tea
and bay
and ironman
and fireworks
and cards, roses and mother's day.

Thursday, March 13, 2008

(overdue)

Dear Diary,

 

17 August 2007, Thursday

 

The rain poured so hard that it made our classes get suspended that Thursday and Friday. Tonette (my housemate) and I boarded the bus at 3pm and were able to make it to our respective evacuation sites on the night of Friday, although late. The traffic prolonged our stay inside the bus. Occasionally we slept, and then we woke up with the Beegees’ concert in the bus’ TV. The rain continued to fall and the combination of chill inside the bus and the already cold atmosphere around gave me the need to hug myself more and further, to place my hand inside my underarms, my remedy to acquire warmth. Tonette deprived me of hugging her.

 

One evident benefit for me of the rain was the excitement it brings to my senses. I liked it when my skin hair rises of the chill. I liked it when I needed to cuddle right inside a warming sweater which is initially cold when you retrieve it from your closet. And I loved it when I could have the most opportunities to huddle around a human blanket more than a wool-knitted one. The cool and moist and sweet atmosphere that the rain brings is the acceptable chance for more hugs! J

 

When I arrived home that night, I anticipated how my weekend would be. I immediately saw my sister, in long sleeves, dressed rightly for the weather. Later that day, when the sky light has gone dim, when my body clock started to schedule my sleep, I took the time to squeeze my face under Mama’s arms. It was nice.

 

The next day, Mama decided to change the old mattress of our family bed. She thought of using the larger and thicker one we have been keeping since we moved out from Cubao last January instead of the double-size mattress we were currently using. This was the best instance to reuse it when the weather and the season get colder. With the help of my cousin, they hurled the big mattress inside its cover, landed it on our bed, appropriated it with a yellow bed sheet, and we threw in the pillows. It was a nice inviting sight to rest. Mama did not perspire much and acknowledged the weather for that. She said, “kung ginawa natin ‘to hindi ngayon, sigurado tadtad tayo ng pawis.”(During ordinary noon days, it was not pleasant to stay inside our house because it was ho, really).

 

(Another thing I like when it rains is your desire to stay when you are necessitated to go. Personally, this is how I think it is. And I like it that way when I needed to stay inside our home and watch the rain. I do not feel deprived in anyway if I am restricted to go out.)

Wednesday, March 5, 2008

photo album




an attempt to display my face. with and without make-up. hahaha. (minsan lang ito. malinggit na vanity lang.)

Monday, March 3, 2008

the night after "thanksgiving night"




the streetlights were yellow.
the streetkids were... were happy!
saw tonette and tin. then hanah. then kuya bry and roche (wearing shorts). then tinay. after cherry went home with her parents, noreens and i headed to the discovery dinner. afterwards, we sipped some (refillable) coffee at Coffee Blends. it was my first time to enter the place.
had some tiny brownies costing seven pesos each.
had many plateful of conversations with noreens. go bro (and your english- speaking career)!ü

it was a spontaneous date/bonding time.
yet another event i'm thankful for.


*this album is dedicated to noreens and cherry.*

Sunday, March 2, 2008

my thanksgiving for this sem.

Rating:★★★★★
Category:Other
This is a review of myself. ang hirap i-scope na over the sem lang ang thanksgiving. kasi, as i approach the en*ing (taboo word ba 'to?), sobrang pagba-backtrack ang nangyayari.

God has revealed himself to me in so many ways.

For one, He has been patient with me. Sabagay, alam nya ang kaibuturan ng puso ko. At tunay na matalino siya kung paano niya ko niluluto.

Here are my thanksgiving items (medyo general pa at kulang):

* pinagalitan ako ni ma'am __ nang maraming beses this sem. those were humbling experiences. nosebleed din ang pag-iisip sa isa pang subject (tatlo na lang subject ko).

* conversations with special people: ate aina, kuya figy, ate bang, yob, theo, roch.

* ah! pag-reveal ni God ng mga desires ko nga. i have been praying na ma-realize ko na ang mga bagay na gusto kong gawin, now and tomorrow. at paunti-unti namang nagkakalaman ang "things i want to do" list ko.

in 1Thes.5;16-18, we are commanded to:

* be joyful always
* pray continually
* give thanks in all circumstances

salamat kay God dahil tinuturuan niya 'ko to see Him mightily intervening sa pang-araw-araw na buhay ko. kahit na lagi akong napapagalitan at iba pang seem-to-be-negative na mga bagay.

Let us keep praising the Lord! nare-realize kong this is a great experience din of living: to praise God vocally and prayerfully!

para kay God ang five stars! at marami pang stars! yahoo!

*to be continued na ang complete list. kokopyahin ko mula sa journal ko. tenen! therefore, online journal nga pala ito 'no?*

Friday, February 29, 2008

epekto lang ‘to ng gutom

 

‘Pag nagugutom ako, nararamdaman kong nagsusungit na ‘ko. Hindi makausap ng matino, nakakunot ang noo, nauunang maglakad para makarating na sa makakainan.

 

‘Pag nagugutom ako, ayaw kitang makita sana. Para hindi ka na madamay sa pagsusungit ko. Pero siguro hindi rin. Ulit nga:

 

‘Pag nagugutom ako, ayaw kitang makita. Ayoko kasi makumpirma na katulad ng sikmura kong apektado ‘pag hindi nalalamanan, apektado mo rin ang ulirat ko nang hindi mo nalalaman.

 

(Anlabo.) Gusto ko nang mauna sa mesang kakainan. Iwanan, lampasan ka na sa bagal ng paglalakad mo sa daan. Gusto ko lang. Pero alam kong mas mabuti kung sasabayan pa rin kita.

 

Ikaw kasi ang magbabayad ng kakainin ko. Pautang ha.

 

 

Thursday, February 7, 2008

stories from my grade five school bag.

MOLES and HAIR-DOS

 

            One afternoon, when I and my younger sister Mimi were playing, I noticed the black marker my kuya has used in labeling the folders in his school project. Mimi was fond of dressing herself up and I also liked experimenting with her. Sometimes, I borrowed her long hair. I asked her to sit back to back with me as I took her hair and placed it over my shoulders. Then I looked at myself in front of the mirror. At some distance, you might actually mistake her hair as originally mine. I still had other attempts of trying to experience having long hair by putting on a towel or our orange TV set cover in my hair. Like what Alice Dixon said in one of her classic commercials, I can feel it!

 

I did not know why I always had my hair cut short. Mama said that I seemed to be aloof of combs or fancy hair clips that’s why I was always short-haired. Plus, my apple-cut hair complemented my round and chubby face (only when I reached high school that I noticed my face as somewhat square-shaped because of my jaws). Well, I did not remember disagreeing with the idea. I had this classmate who looked like the junioress of Jolina Magdangal – what with all the colorful series of hair clips, glittery headbands, 3D butterfly clips, etc., all lined up in a series in every variety everyday. I didn’t like that. I preferred black hair. Alone.

           

            Going back to my sister’s fancy of self-presentation even if she’s in grade two then and going back to the black marker I saw, may I now tell the story about the moles. (Or maybe you already have an idea about how the mole and the marker would come about in this story.) I got the marker and asked my sister, “Mi, gusto mo lagyan kitang nunal?”(“Mi, do you want me to put you a mole?”) Maybe seeing the bright idea and eagerness that flashed through my eyes, she nodded and smiled. To my delight.

 

            I intently put a dot on the upper portion of her lips. To my unreliable recollection, I guess that was on the left portion of her lips since I was right-handed. Tenen! (expression) There! Her new mole was perfectly made by me. From what I watched in the television, girls that have mole in that area seemed to be cunning and sometimes, they were the antagonist. Mimi, I think, liked the instantly-done part of her face. Then, another bright idea rang in me. ”Gusto mo bang tumalino?”(“Do you want to be smart?”). She repeatedly said yes. Thus, I inched my way to dotting another mole in her temple near her right eye. (I did not think that I have a grasp of symmetry, left mole and right mole balance.) Was that a kind of experiment? I did not know. I was grade five then.

 

            Our playtime has ended and we had to retire to our beds already. The following day, Mimi had to go to class in the morning. Mine started after lunch.

 

            Less than a decade after (literally), Mimi relayed to me the event that happened the next morning in class after she has acquired her new set of moles. I ended up bursting in laughter while she smirked at me. She eventually laughed, too. She recalled that her best friend pinpointed the upper portion of her lips and her temples asking, “Bakit may dumi ka dyan?” or “Ano’ yang dumi na ‘yan?” (“Why do you have stain in your face?”) Mimi probably blushed with embarrassment during that time. I told her that maybe she didn’t wash her face enough. Should I take the blame on me?

 

*to be continued*