Wednesday, April 28, 2010

"When God gives you a vision and you answer the call, you'll stretch and grow in new ways no matter what happens.. If your dream succeeds, live in thanksgiving; if it fails, take joy in growing."

11 days to go

Lately, some of my friends would fancy themselves over countdowns. One, as she approached her wedding day, which came last April 17, and another as she's counting the days toward her own wedding day as well, which will be happening on June next year. I count with them, too. But well, my own countdown is focused towards December 5 which is 220 days from today. I'll leave it there.

Now, what's with the "11 days"?

If you're mentally counting while reading this, you would obviously know that it's the big day when (hopefully) everyone who loves the country enough would make the wise step of exercising their privilege through shading the right circles that correspond the name of the people who they believe will live out the positions they're running for with integrity and with genuine love for the country and its people.

I haven't completed my list yet. But somehow have trimmed down my choices and learned to set my standards of whom to entitle my "yes" to.

There's been a number of posts that educate us about this whole election thing (and I'm so much grateful about them), which made you and me realize that the coming one would not be that ordinary. There's this certain desperation that has led to passion exercised by many that shouts for the real-deal and clamors for this country's reconstruction.

Even those who are running for office knew from the start that it's a big risk setting yourself under public scrutiny and proving them that you're the person they need to lift up the Philippines again, not to mention, to eradicate corruption. Coming from the present administration, it sure is a big leap of guts and faith for these political candidates. (I remember the infamous Eddie Gil who made himself popular during the 2004 elections when he said that he will pay for all the Philippines' debt. Of course, what happened was he was given a short-lived showbiz career afterward. Then I haven't heard of him lately.)

Jethro told Moses (Exodus 18:21), "You will need to appoint some competent leaders who respect God and are trustworthy and honest." The Bible has set the ground of the qualities of a leader whom we must choose. Even if one is not a Bible-believer, he may succumb to this “principle” as good and a fitting one to base your judgment from.

I encountered that verse above when Ptr. Peter Tan-Chi spoke about it before the crowd in Araneta Coliseum during Puso sa PusoMy head just kept nodding. The event was one perfect time to capture what really is in the hearts of the seven (We're informed that Gibo and Erap weren't able to come because they're stuck with their political sorties.) presidentiables (thus, the event's title). They had their fair share of opportunity on the couch. I had my initial judgment though that they maybe just saying things that the audience would want to hear, especially that it's sort of a Christian gathering.

At the end of the day, I cannot accurately judge their hearts. Nonetheless, I believe that these people knew about the higher authority that could accurately determine the outcome of man's activities.


"If my people, who are called by my name, will humble themselves and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then will I hear from heaven and will forgive their sin and will heal their land."  ~2 Chronicles 7:14

Someone once said that the most crucial position is being down on your knees. Most of us are presently in the most crucial time of our history, I believe. This may be the latest possible hour, our "11th hour".

The Lord has given us the freewill to choose. He made us both critical and wise. Whether you're bagging for an official seat or not, you do have a position, and it matters. I will make my vote count, knowing that He's sovereign above all things.

I'm looking forward to 11 days from today and to the days after that. He will heal our land.

Friday, April 16, 2010

May Kwento ang Email Add Ko.


11 October 2007, 3:11 am

Freshman high school, dahil sa impluwensiya ng classmate kong si Diane* na maagang nahilig sa internet at pakikipag-chat, gumawa ako ng email address. Trenta pesos ata ang renta ng computer noon. Ang mahal pala ah! Unang beses, sa malapit na kompyuteran sa kanila, tinuruan niya ako kung paano i-search ang profile ni Ben Adams at iba pang miyembro ng A1, nina Marit at Marion ng M2M, at ng Westlife lalo na ni Marcus Michael Patrick Verdon “Mark” Feehily na crush ko, at makakita ng sandamukal na pictures nila! Pinakita niya rin sa akin kung paano ba makipag-chat sa MIRC at makakilala ng mga tao na tagalabas ng Pilipinas. Andaming pinipindot. Tapos kailangan meron kang email address. Sinubukan kong kaibiganin ang teknolohiya at ang internet. ASL pls? sasagutin ko ng: 15 f qc.

Sumunod na pagkakataon, hindi na niya ako nagawang samahan. Di ko alam sa kanya kung bakit. Pero sabik na ako noon na makasingit sa malawak na cyberspace at makasilip sa anong meron dito. Kaya naman, sinuong ko mag-isa ang dagat na teknolohiya gamit ang keyboard, mouse at trenta pesos sa bulsa ng palda kong checkered. Simula rin noon, nagkaroon na ng partikular na amoy sa akin ang mga computer shops. At nalulunod pa rin ako ngayon sa dagat na una kong sinubukang languyin nung kinse ako.

Hindi ko alam kung paano gumawa ng email address. Pero madali lang naman. Sumunod ka lang sa panuto, pati gumaya sa ginagawa ng katabi mo. Makakaraos ka. Sa website ng Yahoo! daw pwedeng gumawa ng email add. SIGN UP. Klinik ko iyon. Nagsimula na ang proseso. Ilang gabi akong naglalaan ng oras bago matulog sa kakaisip kung ano ba ang magiging email address ko. Ano ba? Ano kaya?

Sa wakas, tinipa ko ang: marit_mark@yahoo.com. (Hindi na pala kailangan ang @yahoo.com). Ito ang napagbuno ko sa maraming beses na pag-iisip. Ako si Marit ng M2M habang ang bestfriend ko na si Ivy* si Marion. Asawa namin si Mark Feehily**. Pwede sa amin ang polygamy ‘pag kay Mark. Bestfriends naman kami.

Humihingi naman ng password! Hindi ko alam kung anong ilalagay. Hindi ko rin alam kung para saan iyon. Paglingon ko sa katabi kong babae, may tinitipa rin siya sa patlang para sa password. Pinanood ko. Buti na lang. (Pero ngayon, naisip kong hindi pala tama na nakikitingin ka sa pagsasagwan ng katabi mo sa computer shop.) May apat na asterisks (****) siyang nilagay. Aha! Ganun pala. Dahil doon, limang asterisks ang nilagay ko sa akin para hindi kami magkapareho. Saka ko nadiskubre na dahil password iyon, sadyang asterisks ang lalabas kahit ano pang karakter ang itipa mo. Isa pa, hindi pala asterisks ang nilagay kong password talaga. Katumbas noon ay limang number eight (88888).

Hindi ko na tinangkang ibahin pa ang password ko. Basta nabubuksan ko naman ang email add ko. Bininyagan ng mensahe galing sa Yahoo! ang inbox ko at marami pang mensahe galing sa ewan-kung-totoong-tao-ba na resulta naman ng pagche-check ko ng “interests” nung nag-sign up ako. Subscription pala ‘yun. Di ko naman napakinabangan.

Matagal kong gamit-gamit ang marit_mark@yahoo.com. Sa palagay ko ay hindi naman masyadong naging pabigat ang pagkakaroon ko nun sa buhay estudyante ko. May mailalagay pa kong sagot sa ‘Email Add:’ sa slum book ng kaklase ko.

Siguro ay junior (o senior ba) na ako sa high school nung maisipan kong gumawa ng mas presentableng email add. Hindi ko na masyadong gusto si Mark kasi marami nang nagkakagusto sa kanya. Pansamantalang nalimutan ko naman ang M2M dahil hindi na ako makapanood ng mga MTVs nila.

Pero tulad nung una akong gumawa ng email add, pinag-isipan ko uli iyon ng husto. Sa katunayan, nagawa kong nakarambol na puro letra na buong pangalan ko ang email add ko. Ang kinalabasan ay zaipril02@yahoo.com.

Hindi ko gustong nauuna sa anumang bagay at ayoko rin naman ng nahuhuli. Sa gitna lang. Kaya 02 ang kadugtong ng zaipril.

Nakakapunta na ako at nakakalamyerda sa internet nang mag-isa at hindi na dumedepende sa katabi para sagutin ang mga bagay na di ako sigurado.

Hindi ko naman matandaan kung ano na nga bang unang password ko roon. Basta sa ngayon, natutunan kong mas praktikal pala kapag pagpapareho-pareho-in mo ang password mo. Ito’y para hindi ka malito sa dami nang nagsulputang kagaya ng patok na patok na Friendster na sinayn-apan mo ng account.

Pansamantala akong nakuntento ng matagal-tagal din naman sa zaipril02@yahoo.com kong email add. Nung nagkaroon ako ng account sa Friendster, nalulunod na ako sa updates na dumadating sa inbox ko. Ang panahon na ginugugol ko sa pagbura niyon (dahil melancholic ako), sa palagay ko, ay nakakabigat na sa buhay estudyante ko. May dumating na solusyon para sa akin dun. Halina’t magbasa pa.

Sa pamamagitan uli ng isa ko pang kaklase na si Dianne* (Double ‘n’ na ang spelling ng pangalan nito. Hindi siya ‘yung dati), gumawa ako ng email add sa hellokitty.com. Imbakan iyon ng mga mensahe gawa ng Friendster updates. Dahil biglaan lang at wala talaga sa plano ko ang pagkakaroon ng panibago, ginawa ko na lang na riza02@hellokitty.com ang email add ko. Nakakawili din naman magbukas ng email na may kulay pink na screen at may mga Sanrio characters sa paligid ng inbox mo. Pero imbakan lang nga talaga ang email kong ito. Di pa rin ako nadala ng dekorasyon at pambabaeng/pambatang hellokitty. Ngayong taon lang, nalungkot ako dahil nawala na ng tuluyan ang email add kong ‘yon. Tiningnan ko sa mismong site pero di na ata sila sumusuporta sa paggawa ng email add sa kanila. Nabuko kaya na ginawa ko lang imbakan ‘yon?

Sa pagitan ng paggawa ng email add sa Yahoo! at hellokitty, sumubok akong gumawa rin ng iba’t iba pang klase ng email add sa hotmail at sa hindi-ko-na-matandaan pa. Subok lang naman. At ni hindi ko nabuksan ang mga ‘yon. Parang joke lang.

Habang tumatanda ka pala ay nagkakaroon ka na rin ng kamulatan kung alin ang pambata sa hindi. College nung gawin kong ‘pormal’ ang tunog at itsura ng email add ko. Lalo’t magpa-practicum na ako at magpapasa ng resume sa ilang ‘tunay’/businesslike/professional (talaga) na mga kumpanya. Dati ko pa naman gusto gawin iyon. Wala lang akong pagkakataon. Pero dumating na ang tamang panahon. Third year college, ang opisyal ko nang email add ay riza.pilapil@yahoo.com.ph.

Pakiramdam ko, ang personal sa akin ng email add ko na ‘yan. Hindi lang dahil sa buong pangalan ko ang nakabalandra, o dahil may .ph sa dulo na nagsasabing taga-Pilipinas ang may-ari ng email add na ‘yan. Siguro nga kasama ang mga ito sa dahilan. Ang mas naiisip ko rin kasi ay ang parang wala kang pagtatago sa likod ng kung anong inimbento mong pseudonym. Hindi na kailangang pagrambolin pa ang letra ng iyong pangalan o magbago ng nickname (at iba pang impormasyon) katulad ng ginagawa kapag nakikipagchat sa MIRC. Sa paggamit mo ng tunay mong pangalan, saka pwedeng makikita na naiiba ka.

Buhay na buhay pa ang zaipril02@yahoo.com kong email. Pero parang nakikita kong sa dami ng mga pumupuno ditong mensahe (na nabura ko na pala kahapon!), napapalayo na ito sa akin.

Nagpapasalamat uli ako sa kwento ng email add. Nakita ko ang ebolusyon ng personalidad ko at iba pa. Pero nandun pa rin ang minsan-minsang pagkalunod ko sa dagat na kahit ayawan ko, tanggap ko naman na kailangan ko. Nakakainom nga ako minsan ng tubig. Ang alat. Pero mahalaga ang alat. Tara, let’s surf the net.

______________________

*Tunay na pangalan (Hello, kamusta na kayo?!)

**Single pa talaga ako. Nag-divorce na kami ni Mark (joke).

subjunctive mood

if i were a droplet,

a droplet of rain,

i'd slide by your window pane

and stare at your eyes dreaming.

if i were a soil,

a piece of that you walked on,

i'd stick myself in the soles of your shoes

and be just where you're heading to.

if i were a page,

a page of calendar on your desk,

i'd own one saturday

and mark it with our date.

if only i could be right next to you..

just so i hope these lines would do.

Wednesday, April 14, 2010

Shine! Women's Conference

Start:     May 22, '10 08:00a
End:     May 22, '10 4:00p
Location:     IBC Makati (140 HV Dela Costa cor. Tordesillas, Salcedo Village, Makati City)
Celebrate womanhood!

We will feature CSM’s leading women writers and speakers who will address women about their relationship with God (Cory Varela, Discovering My Highest Pleasure in God), about shining in their roles in the home (Evelyn Ramos Pajaron, Parenting Teens and DZAS’ “Mommy” Bessie Rios, Memo ni Mommy), and about shining in their workplace (Maloi Malibiran Salumbides, ProTips: Shining Attitudes for Women at Work).

There will also be a special feature--the launch of Walking On: the Best of Women on the Journey in its new two-volume packaging, as well as CSM’s other new titles especially for women.

We hope to see you there! Let’s be inspired and equipped to be Christian women who radiate Christ in the various roles God has given us.