Wednesday, November 21, 2007

Saturday, November 3, 2007

my semender

MY SEMENDER

written last 21 October 2007

 

                Last Saturday morning, I traveled back home without carrying the academic burden I usually have. My sem is over. I am not sure if this statement would be accompanied by the usual smile that it could entail. As I write this (in paper), my eyes follow the advancing strokes of my pen while I wear an emotionless face, without much facial muscle contraction. I don’t know if the effects of “my sem is over” have finally reached my brain into realizations.

 

                I lift back the pages of my life’s journal, maybe about five to fifteen leaves back, and read through those half-filled/ bulleted/ multi-colored pages. Thankfully they could serve useful in this self-reflective activity named writing, which is somehow tough for my forgetful self.

 

                Maybe this semender output isn’t really listing a graduation from the learning experiences I have gathered this sem. There are just some things that you cannot instantly learn in a sem (or two), and I count to those even my academic subjects in. Endings give way to aftermaths, the stage which could cause you the most impact. And here I recount my culminating aftermaths:

 

Ø       Exposing my writings is one brave act I’m continually learning. My writings are not supposed to be read only by myself and by the instructor I’ll be submitting my writing to. It would inevitably be exposed to inquisitive and critical individuals later on, especially if they are posted in a blog like this.

 

Revealing a part of yourself in writing is not merely bulging out your insecurities or arrogance, but an affirmation that one can have something to share to the world. My ignorance and discomfort to techie gadgets and technology itself should not overcome me and my writing. It should not be an excuse for me to not write at all.

 

“If you cannot write with what you have then you cannot write at all.” My creative writing teacher this sem told this in class in connection with us being required to set up our own blogsites. I was startled and then challenged. I felt it specifically addressed to me at that instance. And sometimes, you needed to be bold and explicit about yourself to know what’s good for you and to welcome avenues for shaping up, hmm, although you can also go on using metaphors.

 

Ø       I’m continually learning the beautiful act of giving. And yes, it’s best learned when you are put into situations that would require you to practice such. Or choose to not. Stretching my week’s budget when I’m in Los Baños is always little miracles. And I’m blessed for still having the budget to be stretched. Though amount and quantity may not really matter all the time, your willingness and desire to give counts like the widow’s offering in the book of Luke.

 

Ø        etc.

 

 

I’m up for a semestral break, which isn’t actually a break from the lessons that keep coming and I am noticing. Maybe this sembreak is an opportunity for me to reread those lessons, to apply and reapply them. Well, after I graduate from college, there won’t be any semesters for me to have semenders anymore.

 

“It’s God who will work in you to make you willing and able to obey Him.”

“Myself”

“Myself”

 

          I am Riza E. Pilapil. I am 11 years old and my birthday is December 5, 1987. I live a 77 Ermin Garcia St., Cubao, Quezon City. My mother is Mrs. Corazon E. Pilapil and her occupation is a housewife. My father’s name is Mr. Antonio R. Pilapil and his occupation is a family driver. My ambition in life is to be an accountant, and a painter. I also have a sister named Rose May and a brother named Romel. I am the second from the first.

 

          I like to watch television, to play, and also to study. My favorite actresses are Claudine Baretto and Jolina Magdangal. I also like the way they sing. My favorite movie is “The Titanic” and I also like the actors and actresses in that movie. My favorite song is “It Might Be You”. Favorite singer is Celine Dion, sport is swimming, and my favorite day is Tuesday. My favorite foods are Flipino foods and chocolates. I also like the collors yellow, pink, and baby blue. And also, I like the subject English and Science.

__________________________________________

* It’s 31 days before December 5 and I’ll be 20. I found this composition in one of my old notebooks that turned smelly and moist (instead of dusty) over the years. I admire my young self who is certain of what she wants... [unfinished]

 

dedeng moments




Wednesday, October 17, 2007

sulat para sa mahal kong si dudong. at nami-miss na kita, uy.

dear dudong*.

bakit sa t'wing tinatawagan kita gamit ang unlimited na sun, magulo ang background mo? maingay. parang ayaw mo ko marinig. bakit? pero salita ka naman nang salita. parang ayaw mo pa rin akong marinig tuloy.

naglalakad ka sa footbridge, nasa bahay ng kaibigan habang nanonood ng sigawan na pelikula, nag-aalaga ng bata, busy sa paglalaba. nagsasagot ng problem set sa math. iyan ang iyong mga dahilan. pero pilit pa rin kitang kino-contact at sinasagot mo naman ang mga pagpapa-ring ko--ang pag-asa ko na gusto mo pa ring marinig ang boses ko.

sawa na ako sa pagkokomento sa friendster mo. gusto na kitang sa personal komentuhan. hilahin ang buhok mo, kurutin ang tagiliran at pisngi mo. at magkwentuhan pa tayo habang kumakain ng manggang isinawsaw sa bagoong.

miss na kita. sana ako'y naaalala pa..

nagmamahal,

fwend

_________________

*si dudong ay ang kaibigan kong si madonna (tunay na pangalan. palayaw niya ang dudong)

Thursday, October 11, 2007

MAY KWENTO ANG EMAIL ADD. KWENTO KO.

MAY KWENTO ANG EMAIL ADD. KWENTO KO.

11 October 2007, 3:11 am

 

Freshman high school, dahil sa impluwensiya ng classmate kong si Diane* na maagang nahilig sa internet at pakikipag-chat, gumawa ako ng email address. Trenta pesos ata ang renta ng computer noon. Ang mahal pala ah! Unang beses, sa malapit na kompyuteran sa kanila, tinuruan niya ako kung paano i-search ang profile ni Ben Adams at iba pang miyembro ng A1, nina Marit at Marion ng M2M, at ng Westlife lalo na ni Marcus Michael Patrick Verdon “Mark” Feehily na crush ko, at makakita ng sandamukal na pictures nila! Pinakita niya rin sa akin kung paano ba makipag-chat sa MIRC at makakilala ng mga tao na tagalabas ng Pilipinas. Andaming pinipindot. Tapos kailangan meron kang email address. Sinubukan kong kaibiganin ang teknolohiya at ang internet. ASL pls? sasagutin ko ng: 15 f qc.

 

Sumunod na pagkakataon, hindi na niya ako nagawang samahan. Di ko alam sa kanya kung bakit. Pero sabik na ako noon na makasingit sa malawak na cyberspace at makasilip sa anong meron dito. Kaya naman, sinuong ko mag-isa ang dagat na teknolohiya gamit ang keyboard, mouse at trenta pesos sa bulsa ng palda kong checkered. Simula rin noon, nagkaroon na ng partikular na amoy sa akin ang mga computer shops. At nalulunod pa rin ako ngayon sa dagat na una kong sinubukang languyin nung kinse ako.

 

Hindi ko alam kung paano gumawa ng email address. Pero madali lang naman. Sumunod ka lang sa panuto, pati gumaya sa ginagawa ng katabi mo. Makakaraos ka. Sa website ng Yahoo! daw pwedeng gumawa ng email add. SIGN UP. Klinik ko iyon. Nagsimula na ang proseso. Ilang gabi akong naglalaan ng oras bago matulog sa kakaisip kung ano ba ang magiging email address ko. Ano ba? Ano kaya?

 

Sa wakas, tinipa ko ang: marit_mark@yahoo.com. (Hindi na pala kailangan ang @yahoo.com). Ito ang napagbuno ko sa maraming beses na pag-iisip. Ako si Marit ng M2M habang ang bestfriend ko na si Ivy* si Marion. Asawa namin si Mark Feehily**. Pwede sa amin ang polygamy ‘pag kay Mark. Bestfriends naman kami.

 

Humihingi naman ng password! Hindi ko alam kung anong ilalagay. Hindi ko rin alam kung para saan iyon. Paglingon ko sa katabi kong babae, may tinitipa rin siya sa patlang para  sa password. Pinanood ko. Buti na lang. (Pero ngayon, naisip kong hindi pala tama na nakikitingin ka sa pagsasagwan ng katabi mo sa computer  shop.) May apat na asterisks (****) siyang nilagay. Aha! Ganun pala. Dahil doon, limang asterisks ang nilagay ko sa akin para hindi kami magkapareho. Saka ko nadiskubre na dahil password iyon, sadyang asterisks ang lalabas kahit ano pang karakter ang itipa mo. Isa pa, hindi pala asterisks ang nilagay kong password talaga. Katumbas noon ay limang number eight (88888).

 

Hindi ko na tinangkang ibahin pa ang password ko. Basta nabubuksan ko naman ang email add ko. Bininyagan ng mensahe galing sa Yahoo! ang inbox ko at marami pang mensahe galing sa ewan-kung-totoong-tao-ba na resulta naman ng pagche-check ko ng “interests” nung nag-sign up ako. Subscription pala ‘yun. Di ko naman napakinabangan.

 

Matagal kong gamit-gamit ang marit_mark@yahoo.com. Sa palagay ko ay hindi naman masyadong naging pabigat ang pagkakaroon ko nun sa buhay estudyante ko. May mailalagay pa kong sagot sa ‘Email Add:’ sa slum book ng kaklase ko.

 

Siguro ay junior (o senior ba) na ako sa high school nung maisipan kong gumawa ng mas presentableng email add. Hindi ko na masyadong gusto si Mark kasi marami nang nagkakagusto sa kanya. Pansamantalang nalimutan ko naman ang M2M dahil hindi na ako makapanood ng mga MTVs nila.

 

Pero tulad nung una akong gumawa ng email add, pinag-isipan ko uli iyon ng husto. Sa katunayan, nagawa kong nakarambol na puro letra na buong pangalan ko ang email add ko. Ang kinalabasan ay zaipril02@yahoo.com.

 

Hindi ko gustong nauuna sa anumang bagay at ayoko rin naman ng nahuhuli. Sa gitna lang. Kaya 02 ang kadugtong ng zaipril.

 

Nakakapunta na ako at nakakalamyerda sa internet nang mag-isa at hindi na dumedepende sa katabi para sagutin ang mga bagay na di ako sigurado.

 

Hindi ko naman matandaan kung ano na nga bang unang password ko roon. Basta sa ngayon, natutunan kong mas praktikal pala kapag pagpapareho-pareho-in mo ang password mo. Ito’y para hindi ka malito sa dami nang nagsulputang kagaya ng patok na patok na Friendster na sinayn-apan mo ng account.

 

Pansamantala akong nakuntento ng matagal-tagal din naman sa zaipril02@yahoo.com kong email add. Nung nagkaroon ako ng account sa Friendster, nalulunod na ako sa updates na dumadating sa inbox ko. Ang panahon na ginugugol ko sa pagbura niyon (dahil melancholic ako), sa palagay ko, ay nakakabigat na sa buhay estudyante ko. May dumating na solusyon para sa akin dun. Halina’t magbasa pa.

 

Sa pamamagitan uli ng isa ko pang kaklase na si Dianne* (Double ‘n’ na ang spelling ng pangalan nito. Hindi siya ‘yung dati), gumawa ako ng email add sa hellokitty.com. Imbakan iyon ng mga mensahe gawa ng Friendster updates. Dahil biglaan lang at wala talaga sa plano ko ang pagkakaroon ng panibago, ginawa ko na lang na riza02@hellokitty.com ang email add ko. Nakakawili din naman magbukas ng email na may kulay pink na screen at may mga Sanrio characters sa paligid ng inbox mo. Pero imbakan lang nga talaga ang email kong ito. Di pa rin ako nadala ng dekorasyon at pambabaeng/pambatang hellokitty. Ngayong taon lang, nalungkot ako dahil nawala na ng tuluyan ang email add kong ‘yon. Tiningnan ko sa mismong site pero di na ata sila sumusuporta sa paggawa ng email add sa kanila. Nabuko kaya na ginawa ko lang imbakan ‘yon?

 

Sa pagitan ng paggawa ng email add sa Yahoo! at hellokitty, sumubok akong gumawa rin ng iba’t iba pang klase ng email add sa hotmail at sa hindi-ko-na-matandaan pa. Subok lang naman. At ni hindi ko nabuksan ang mga ‘yon. Parang joke lang.

 

Habang tumatanda ka pala ay nagkakaroon ka na rin ng kamulatan kung alin ang pambata sa hindi. College nung gawin kong ‘pormal’ ang tunog at itsura ng email add ko. Lalo’t magpa-practicum na ako at magpapasa ng resume sa ilang ‘tunay’/businesslike/professional (talaga) na mga kumpanya. Dati ko pa naman gusto gawin iyon. Wala lang akong pagkakataon. Pero dumating na ang tamang panahon. Third year college, ang opisyal ko nang email add ay riza.pilapil@yahoo.com.ph.

 

Pakiramdam ko, ang personal sa akin ng email add ko na ‘yan. Hindi lang dahil sa buong pangalan ko ang nakabalandra, o dahil may .ph sa dulo na nagsasabing taga-Pilipinas ang may-ari ng email add na ‘yan. Siguro nga kasama ang mga ito sa dahilan. Ang mas naiisip ko rin kasi ay ang parang wala kang pagtatago sa likod ng kung anong inimbento mong pseudonym. Hindi na kailangang pagrambolin pa ang letra ng iyong pangalan o magbago ng nickname (at iba pang impormasyon) katulad ng ginagawa kapag nakikipagchat sa MIRC. Sa paggamit mo ng tunay mong pangalan, saka pwedeng makikita na naiiba ka.

 

Buhay na buhay pa ang zaipril02@yahoo.com kong email. Pero parang nakikita kong sa dami ng mga pumupuno ditong mensahe (na nabura ko na pala kahapon!), napapalayo na ito sa akin.

 

                Nagpapasalamat uli ako sa kwento ng email add.  Nakita ko ang ebolusyon ng personalidad ko at iba pa. Pero nandun pa rin ang minsan-minsang pagkalunod ko sa dagat na kahit ayawan ko, tanggap ko naman na kailangan ko. Nakakainom nga ako minsan ng tubig. Ang alat. Pero mahalaga ang alat. Tara, let’s surf the net.

 

 

______________________

 

*Tunay na pangalan (Hello, kamusta na kayo?!)

**Single pa talaga ako. Nag-divorce na kami ni Mark (joke).

 

 

Tuesday, October 9, 2007

MAY KWENTO SA PANCIT CANTON. KWENTO KO.

Elementary ako, naalala kong tuwing hapon, walang pasok, habang nanonood ng t.v., lagi kaming kumakain ng kuya ko ng instant pancit canton original flavor. Sarap na sarap kami. Para bang t.v. at pancit canton na lang ang buhay namin. Nakalagay sa yellow na balot, tapos niluluto ni mama. Hindi ko naman inaalam kung anong brand name ‘yon ng pancit canton. Kaya hindi ko na ilalagay dito. Para sa akin, ang Pancit Canton ay brand. Malapit lang naman ang tindahan kaya kahit hindi nag-go-grocery si mama para sa pancit canton ay pwedeng-pwede naman kaming tumambling lang sa malapit na tindahan. Limang piso o apat lang ata yun noon. Hindi ko matandaan.

 

Nung nag-high school ako, inimbento ng mga gumagawa ng pancit canton ang flavor na may calamansi. Masarap iyon nung una kong natikman. Kulay green ang balot. At siya nga naman, tulad ng mga pansit na niluluto sa bahay ‘pag may birthday, pwedeng may calamansi ito. Mas dama mo ang lasa. May kakaibang twist kumbaga.

 

Simula nang natikman ko ang pancit canton with calamansi flavor, hindi na ako bumalik sa pagkain ng original flavor lang. Hindi na ako nasasarapan kasi dun. Parang may kulang.

 

Naalala ko lang ulit, dahil siguro marami nang nakalimot sa original flavor, gumawa naman ulit ang gumagawa ng pancit canton ng advertisement na para sa original flavor. Bida sa commercial na iyon ang isang sikat na mag-amang artista. (Siguro naging konsyus na ako sa brand name ng pancit canton na kinakain ko mula nung bata pa ako.) Pero hindi ko alam kung nanumbalik ba ang benta ng original flavor na minsan kong minahal gawa ng commercial na ‘yon.

 

Teka. Hindi ko naman buhay ang pancit canton. Kaya hindi naman puro pancit canton ang pinagkukunan ko ng enerhiya sa araw-araw. Minsan-minsan lang. Ang kuya ko, gusto niya almusal, miryenda, mag-pancit canton. Ano siya, mayaman! Syempre naniniwala ako sa mga nutritionist at iba pang nakakaalam daw na hindi na mabuti ‘pag sobra. Lahat naman. Partikular lang dito sa pagkain ng pancit canton.

College na ako at nadiskubre ko ang pancit canton chilimansi flavor. Nadiskubre, ibig sabihin, natikman ko. At ngayon ay ang flavor na iyon na ang binibili ko pagmagpa-pancit canton ako. Palagi. Yun ang flavor na hinahanap ko unang-una. Higit kaysa sa calamansi flavor, lalo’t higit sa original flavor.

 

Takot ako sa maanghang. Pero isang beses pinatikim ako ng housemate ko ata (hindi ko na maalala) ng pancit canton na iyon ang flavor. Naanghangan ako kasi nga chilimansi. Pero nandon pa rin ang medyo flavor ng calamansi. Ayos lang naman.

 

At chilimansi flavor na anng gusto ko. Para maiba naman. Kaya ko na sigurong tolerahin ang mumunting anghang na meron ito. Kaya ko na nga. Minsan may maliliit na piraso pa ito na parang ginupit-gupit na siling labuyo. Hindi ko alam kung sikolohikal na lang ang binibigay na anghang nun sa akin o may epekto pa rin talagang anghang ito kahit matagal-tagal na itong nakakulong sa maliilt na pakete ng seasoning.

 

Marami pa akong nabalitaan na iba-iba pang kumbinasyon ng flavor na ginawa para sa instant pancit canton na ito. Hindi ko naman sila pinapansin. Ang pancit canton chilimansi flavor ang gusto ko ngayon. Pero hindi paborito.

 

Elementary ako nun, tapos nag-high school, tapos college. Nag-iba-iba ako ng gustong pancit canton. Talagang hindi pala naman hanggang katulad nung elementary lang ako ang panlasa ko. Dahil sa iba’t ibang flavor ng pancit canton na dumaan sa aking buhay, natuto akong mag-adjust. Tumikim at nagustuhan ko: ‘yung original flavor, with calamansi flavor o ‘yung chilimansi flavor.

 

Kung ngayon, gusto ko na lang ang chilimansi flavor, ayaw ko na bang balikan ang pagkain ko ng original flavor lang, o kahit ‘yung with calamansi? Hindi ko alam. Kinalimutan na ata ng panlasa ko ang sarap ng dating mga flavor na ‘yon, ‘yung original, na sinasabi ko pang parang ‘yun lang ang buhay ko (at ng kuya ko). Nawala na kaya ang minsang kilig na binigay sa akin ng maasim-asim na calamansi flavor sa pancit canton ko? Naku, wala akong sagot. Pero ito ang tatandaan ko:

 

‘Nung original flavor pa lang ang alam kong kainin, ang simple lang pala ng gusto ko. Tapos kinilig ako sa with calamansi na pancit canton. Bagong karanasan ‘yon. Nakaya ko ang anghang ng chilimansi, kahit hindi pamilyar ang dila ko rito. Ano pa bang nakalimutan ko. Ah! Hindi na lang pala si mama ang naghahanda nun para sa akin. Syempre natuto akong magpakulo na ng tubig, pakuluan doon ang noodles, at maghalo ng sauce. Haluin mo na ang sauce bago mo ilagay ang noodles.

 

Salamat sa iba’t ibang flavors ng pancit canton. Nagkaroon ako ng kwento. Naalala ko kung bakit ako ganito.

Tuesday, October 2, 2007

T.T

pang-elementary ba ang pag-iisip ko. hindi ko masakyan ang bawat linya ng mga talinhaga mo.

grow old with you

Ito ay kanta ni Rey Valera/Sharon Cuneta titled "Kung Maputi na ang Buhok Ko". Gusto ko 'to kaya nilagay ko dito.

Kung tayo'y matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin ooooooh
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa `yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko

Pagdating ng araw
Ang `yong buhok
Ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Nang nakaraan sa `tin

Ang nakalipas ay ibabalik natin ooooooh
Ipapaalala ko sa `yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa `yo
Kahit maputi na ang buhok ko

Ang nakalipas ay ibabalik natin hmm
Ipapaalala ko sa `yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa `yo
Kahit maputi na ang buhok ko
Kahit maputi na ang buhok ko

Monday, September 24, 2007

Scribbles in my Notebook 1

SOME LITTLE QUOTES FROM MY "WORLD OF LIFE" CLASS

 

Fish always take in water. They do not have any choice.

 

If the gills are red, the fish is fresh.

 

Pimple is like a volcano... Do not touch your pimples. They're all right. (in the context of platelets battling outside forces)

 

Friday, August 17, 2007

paradox

hinahatid ako ni papa pag sasakay na ako ng jeep papunta sa laguna. tapos tinatanong niya ako lagi: may nakalimutan ka ba? anong nakalimutan mo?

hindi ko alam. kasi nakalimutan ko nga.

Tuesday, August 7, 2007

pandesal at paglusong

8:39 ng umaga | ika-8 ng agosto 2007

umuulan. malamig. ayokong isipin na iniisip kong walang pasok sana. dala ko ang mainit na pandesal sa computer shop. mainit sa tiyan. hindi kapag kinain mo na, pero kapag dinikit mo ang papel na sisdlan nito sa iyong tiyan. hot compress. masarap. maginhawa.

mamaya ako'y lulusong sa ulan. may payong man ako, ang mabibilis na patak at talsik nito ay hindi makakaligtas sa pinampoproteksyon ko. lulusong ako sa nacs4 exam. ang nakaraang gabi, ninakawan ng mga oras ng pagtulog para makapag-review. lulusong ako sa pagsumite ng litlet ko. lulusong ako sa group discussion sa spcm106.

mabasa man ako, mapasukan ng tubig ang doll shoes ko, maipeksyunan man ako dahil sa 'king paglusong, mas mabuti na 'yun kaysa tumunganga. at tamarin igalaw ang 'yong eyeballs habang papalabo na nang papalabo ang 'yong nakikita.

nanlalamig na ang mga palad ko. tila mapaparalisa para hindi ko na maituloy ang pagtipa. pero lulusong ako. dala ko ang mainit na pandesal sa mga kamay ko, nagbibigay ginhawa.

Monday, August 6, 2007

nasabi ko na bang isa akong dahon?

sa mga dahon ng santan na nakapila sa sementadong daan [ng c.park]. sa mga pisngi ko sana dumampi ang 'yong mga palad. pitasin mo ako. sa gayon hindi na ako mananatiling naka-camouflage lang sa mundong ito

sa 'yong pagdaan nasabik ang aking mga stomata. gusto kitang masilayan. iyon pala ikaw na ang unang tumitingin sa akin. alam mo kung saan ako nakadipa. ang bawat pigment sa katawan ko'y iyong nakita.

hindi ko na pala gugustuhing pitasin pa. sa kinalalagyan ko, abot ng mata mo, kaya nasapat na.

quote

"The faster I write the better my output. If I'm going slow I'm in trouble. It means I'm pushing the words instead of being pulled by them."

~ Raymond Chandler

Monday, July 30, 2007

List

my reliable secretary is my blue notebook with a flipflop print on the cover. it was actually my journal during my summer practicum. i continued its purpose by making it as a to-do-list, and a lot of thought-list. sir dennis, during his talk last friday said that it would be helpful for us to make "The List" of the events that triggered you to write (but don't have the opportunity to actually write them down yet at the very moment they hit you).

+ two nights ago (july29), i dreamt about having a date with piolo pascual. i felt the urgency to capture it and immortalize it on paper! defeat the power of my forgetfulness. i was trying to recall how it went and while i was in my nasc4 class, i was writing it down. and soon forgot everyting else that occured. i wasn't able to catch the last feathers of those dreams i have experienced in my pillow.

+ the MRT commuters during rush hour are molecules in a solid matter. i was one of them.

+ Romans 8:25, "However, we hope for something we have not yet seen, and we patiently wait for it." good things come to those who wait.

+ "... when past starts to mingle with the present and starts to challenge the future..." -ma'am bucoy, eng106 class

+ i have to return to this list once again. soon.

Thursday, July 12, 2007

splash of thought

*written july 11, 2007. about 9 in the morning in a piece of scratch paper.*

i always post a mental note about a topic that i would want to write about. it's a sudden gush of thought that i don't know where it exactly came from. but it hits you right through that you'd want to start immediately. well, that popping idea is usually the result of a series of thought, through contemplation... i was taking a bath one time and suddenly an idea came in that i tried to keep it and the urge of writing it down as soon as i finish that hygienic routine. sadly, in some cases, i guess the idea splashed out along with my splashing of water. the act of writing and the topic that i would want to write is like a significant other trying to compete for my attention with the other significant others in my life. and writing needs special attention.

it's 9:30 am. i need to lift myself up and head to my first class. browse through my notes first because of an anticipated quiz (which was postponed *smiley*). but it seems that Writing does not want it to end this way. so, i'll continue this later... i hope i'll be able to achieve this momentum again... i got to persevere for that.

Saturday, July 7, 2007

ü

kapag ako naghihintay, bihira mo akong makikitang nakasimagot o umuungot o hindi mapakali. ito ang tingin ko sa sarili ko. kung nakakadama man ako ng pagkainis dahil sa mga bagay na walang kasiguruhan, hindi na ito nakakalusot na makita sa mukha ko. pero naiinip din ako. sinisikap ko lang maging panatag sa kaalamang darating din 'yun. darating din sya. darating. masarap namang umasa. hawak naman Niya ang kinabukasan ko.ü

Thursday, July 5, 2007

matter occupies space.

matter occupies space. just as when you put ice cubes in a glass of water, the water overflows to be able to contain the ice cubes. in the same way, learning teaches us to give way to varying ideas by setting aside the prejudices that fill our minds, emptying ourselves with the "excess cubics of water", and welcoming what can be poured over.

Sunday, July 1, 2007

paano ba 'to?

itutuloy ko lang 'yung nabura kong naisulat dati. o isusulat muli sa tagalog. ewan kung kulang na ba itong isusulat ko o ito ba talaga mismo 'yon. basta. kung papipiliin ako kung sa nakaraan ba o hinaharap, pipiliin ko ang nakaraan. hindi sa anupamang sentimyento at panghihinayang. mababaw lang naman ang dahilan. ang nakaraan na tinutukoy ko (kung kailangan ng konkretong halimbawa) ay nung elementarya pa ko. kasi naman kahit may pagkamalinaw pa ang mga nangyari noon sa akin, gusto ko ring balikan kung paano ako mag-isip noon. posible ba? konkreto ba ang ideya ko? hmm.

noon feeling ko pag naiisip ko sa ngayon, ang mundo ay kulay sepia. mabagal. mahinahon. mas simple. malamig ang hangin at mas sariwa. maonti lang ang gulo. ngayon, conscious na ako sa mga nangyayari. kaya naman, nakaka-haggard pag minsan.

pero ayos lang. ganito naman talaga ang takbo ng munggo.. este mundo at ng pag-iisip ng tao. habang tumatanda, mas lumalawak ang perspektibo. sa lawak ay nagiging gatuldok na lang ang mga karanasan sa nakaraan. pero hahayaan ko na lang ang sarili kong i-challenge 'yon.

*magulo pa ito. naguguluhan kasi pa ako*

Thursday, June 28, 2007

core christmas party 06




this was fun! fun!

May Paborito Ako

Wala akong paborito. (iniisip ko kung meron ba..) Sige, wala akong masyadong paborito. Ganito kasi. Halimbawa, sa mga awit, sinasabi kong nagugustuhan ko 'yon 'pag maganda sa pandinig ko. Nung tinanong ako noon kung anong paboritong kong "genre" ng kanta, naghanap pa ako sa alapaap ng isasagot. Kasi wala naman: pop, rock, jazz, etc. Hindi ko kasi alam ang mga 'yon. Iba-iba ang natitipuhan ko. Pasado sa akin ang mga kanta ng April Boys, ni Renz Verano, nina Diomidez Maturan, Pining Santiago a Danilo Santos (para sa iyong impormasyon, ang nahuling tatlo ang ilan sa mga natatanging Kundiman singers noong panahon ng papa ko. Na nakagigiliwan kong pakinggan tuwing Sabado ng alas-nuebe sa DZRM 1728). Gusto ko rin ang mga lumulutang sa ere ng radyo nung mga taong 1997 habang nasa taas kami ng pader ng ginagawa pa naming bahay: kina Celine Dion, Shania Twain, Michael Learns to Rock ("Paint my love... you should paint my love...) Ganun din naman, nakakatuwa ring pakinggan ang mga kanta nina Vhong Navarro at Bayani Agbayani (sila lang ha!) Nakabibighani naman ang kanta ng Imago at APO Hiking Society. Tama na muna.

Bakit kaya ganito, naisip ko. Wala ba akong passion? Bakit parang ang pagturing ko sa mga bagay ay para lang ordinaryo? Problema ba yun? Naisip ko na sa sobrang dami ng mga pagpipilian, ang hirap pumili ng partikular na gusto mo. Kung saan na nga lang kakain pag nasa labas ay ang hirap na magdesisyon kung saan, paano pa sa ibang mga bagay. Pero kung tutuusin, hindi naman pwedeng ang lahat ng bagay ay pare-pareho lang ang pagkinang. Syempre meron namang kukuha at kukuha ng atensyon mo at masasabi mong "paborito ko na 'to!" Sa akin nga lang, hindi ko maa-apply ng matagalan. Siguro sa iba't ibang pagkakataon lang. Halimbawa uli, paborito ko si Marky Cielo 'pag sumasayaw (yee!ü). Paborito ko ang... umm... ang toyo at kalamansi (the best!) sa pritong galunggong at sukang may asin sa dilis. Paborito ko ang sikat ng araw at mahangin na paligid kapag naglalakad o habang nakaupo lang sa damuhan. Paborito ko [na] ang hipon dahil ipinanganak daw itong babae pero nagiging lalaki habang lumalaki ito. Paborito ko ang yakap at mayakap ng magulang ko (sarap!). Paborito ko ang brownies. Hindi ko paborito ang Friendster kasi sa profile kailangan may "favorites".

passing thought

I don't feel motivated enough to write about something tonight. Last Tuesday, I was already about to end a blog entry but something happened in the site that lost everything that I have just written. Well, a sad moment. The efforts that I gained which is reflected in that entry went in vain. However, I didn't spend the next few minutes carrying the burden for that lost writing piece. I just went out of the shop and rushed to my next class. By the way, that entry was about my fancy for the "past".

Monday, June 25, 2007

I miss my mama's hugs

I miss my mama's hugs. Usually, when I go back home from laguna, the first thing that I would do--as if triggered by instinct and some longing--is to hug mama whatever her condition is: wet of washing clothes, sick of stress, smelly of sauteeing onions and garlic, etc. No matter how independent I think I am when outside our home, mama's soft arms and warm embrace reminds me of how vulnerable I am but how I am protected and secured by her. I love that feeling. although sometimes I feel like I am keeping myself from advancing to another level of maturity when I always wanted to hold on to that little girl attitude nurtured by mama.

Sunday, June 24, 2007

just starting..

i always had this inhibition whenever i try to create a blog entry and express myself in a flowing and candid manner. i don't know why. maybe at the back of my mind, i am conscious about the resources that i will consume, i mean electricity, money, and the minutes that i would be facing the computer monitor (which strains my already damaged eyes); when i can do the same thing with the tangible writing instruments in my tangible journal. but then i remember the times i spent meticulously customizing and updating my friendster account. might as well start on something more productive and beneficial to what i am inclined to do at this point.